😁😁😁
Aii naku covid19, lumayas ka na
Nakakagigil ka na, nakakairita pa😏
Maghapon na `ko sa bahay, buryong ng sobra😫
Pati alagang pusa nila'y kinakausap ko na. 😁
Kelan ka ba matatapos, dahil ako'y umay na 😖
Sa ulam naming sardinas, sa araw-araw pa😵😵
Hininga naming lahat ay magkakaamoy na🙊
Swerte na lang kung di ka mapasuka.🤮🤮
Naalala ko pala si kapit-bahay na tsismosa🤭🤭
Wag ka na lang maingay alam kong kilala mo s`ya🤫
Naamoy ko rin sya, naku sardinas ulam niya😁
Nakakatuwa lang kaamoy ko na rin sya. 😂😂
Ayun na naman si mama nasa tabing kalsada 😁
Nag-aabang nanaman `yan ng may dalang ayuda😆
Wag naman sanang sardinas ang dala😔
Dahil ako'y talagang sawang-sawa na. 😫😫😫
Wag ka ngang patawa-tawa d`yan nakikita kita🙄
Alam kong mayroon ka rin d`yang nakatagong delata😁
Wag mo ng takpan nakita ko na sya😜
Sardinas rin `yan, MEGA lang ang tatak niya. 😂😂
Anu man ang nasa ating mga lamesa😊😊
Wag pa rin nating kalimutang magpasalamat sa KANYA🙏🏻😇
At hilinging ang virus na ito ay mawala na
Nang ang natitirang sardinas namin ay di na mabuksan pa.
Baw!
😁😁😊
(Photo by Mega Sardines)