`Yong dating nagsasabing
mamamatay ka pagnagka COVID-19
ay namatay na, nahulog sa bangin.
Matuto kang pumikit kung ika`y naiingit
kaya pala hindi makapikit naka silip sa relief
wag kang magagalit be, kung ako`y nag susungit
ba`t di mo amuyin yang kili-kili mong amoy anghit.
Takot kang umamin kasi takot kang umbagin
lahat kasing pagkain balak mong nakawin.
COVID-19 ng ika`y dumating
ang bawat pamilya`y nag panik buying,
ngunit mga chikiting ay nag panik eating.
COVID-19, COVID-19, nang ikaw ay dumating,
Ang dala mo sa amin ay mahabang kwarantin.
Saang lupalop ka ba nanggaling?
Nang dahil sa iyoy sanlibutan ay na praning
Takot mahawa sa COVID-19
At dahil sa`yo, mga taoy natutong mag tanim.
Ngunit mga tao`y biglang nangamba,
Nag panic sa mga kalsadang isinara,
Anong ating kakainin, kung tayo`y di padadaanin,
Mga kalakal natin pano mabebenta
kung isasara ang mga kalsada?
Maawaing Bathala, kami poy pagpalain,
COVID-19 Iyo na pong puksain
upang mawala takot ng sanlibutan.
Mga infected wag ng dumami pa,
bagkos silay po ay pagalingin Mo na.
(Photo by Aya Medel)