🌻🌻
Random posts sa websayt ang syang naglabasan,
Nang kwarantin sa Luzon ay inumpisahan;
Nagpainggitan na ng pagkain at ulam,
Ngunit sardinas lang ang syang nangibabaw.😆
Kwarantin sa syudad ay sadyang malubha,
Pag virus tumama tiyak abo ka;
Ngunit sa probinsya ay di alintana,
Lalo na sa amin nag i-enjoy pa nga. 😅
Mga tao dito'y tuloy ang biyaya,
May tuwa't halakhak kahit walang pera;
May ilang nag-iinum, dama, chess, tupada,
Ngunit karamiha`y sa pakatan ang tugpa. 🌊
Ang uwi'y hipon, isda't kasag na sariwa,
May ibang persona ding ginto ang nakuha;
May sasa, balingway, at kawayang pampawid,
Tuloy ang buhay ng mamamayang tawig. 😇
Kaya't hindi ramdam kwarantin sa amin,
Sobra-sobra parin ang biyaya namin;
Mga tao dito'y masisipag na tunay,
Kaya't di umaasa sa bigay ng barangay.
💪 🙋