Back to the list

QUARANTINE SA AMIN (BOW)


๐Ÿ™‡๐Ÿ™‡๐Ÿ™‡ 

 Quarantine sa amin ng ito`y magsimula 

Sa aking pakiwari`y tagutom nagsimula 

Ako`y nabahala lahat kami`y mahawa 

Umahon sa bundok kain tulog ang ginawa. ๐Ÿท๐Ÿท๐Ÿท 


 Quarantine sa amin may lungkot at tuwa 

Pagkain sa hapag tao`y nagtyatyaga 

Lucky Me, itlog, sardinas ang makikita 

Pagtapos ng quarantine buni ay lumala. ๐ŸŸ๐Ÿ”๐Ÿ”๐Ÿ˜… 

 

Itong covid-19, lockdown din ang epekto 

Dahil sa utos ng mahal ng pangulo 

Nagrelax ang mga tambay sumarap ang buhay ๐Ÿ˜ด๐Ÿบ 

Mga may trabaho`y tumamlay natigil sa hanap-buhay. ๐Ÿ˜ช๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜ค 


Ayuda ng gobyerno na tiglilimang libo 

Marami sa amin di napiling magtamo 

Sa hagas ng iba`y tsismis doon tsismis dito 

Kaya pala napili malakas sila dito. ๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช 


 Ibang mamamaya'y sadyang pasaway 

Ng silay nahuli sa bukatot nalagay 

Uminom ng alak sa bulas nagtago 

Subalit nadakip ng romorondang pinuno. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿป 


Multang sampung libo pagnahuli sa akto 

Sabong, alak, sugal pati sigarilyo ๐Ÿ“๐Ÿป๐Ÿ’ฐ๐Ÿ’จ 

Subalit di matiis ng mga mabibisyo 

Nang masampula'y tamimi panay iyak sa kanto. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ 


Covid-19, covid-19, kelan ka ba lilisan ๐Ÿ‘น๐Ÿ‘น๐Ÿ‘น 

ng mga hanap-buhay namin muli ng mabuksan? 

Nawa`y itoy maging aral sa`ting taong-bayan 

Huwag kang mamburaot magtrabaho ka naman.

๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™Š๐Ÿ™Š๐Ÿ˜น๐Ÿ˜น๐Ÿ˜น


(Photo by Rico Manallo)