Back to the list

Relief daw!


🔊🔊🔊

 Relief daw! Relief daw! sigaw ng mama.  

Lumabas na kayo at magsipirma. 

Agad naman pumirma kaming mga gutom na, 

Sa awa ng D'yos lumipas ang ayuda.😑 


Relief daw! Relief daw! Ayan na naman sila. 👮 

Mamimigay daw ng tamban na isda. 🐟 

Agad naipila kanya-kanyang batya, 

Maghapon naghintay, namuti lang mata.👀 

 

Oh relief! Oh relief! Ang bungad ni chief. 👮 

Binigyan ako ng isang corned beef; 😕 

Bakit gabi na po? maku-curfew kayo! 

Tira nalang ito pasensya na kayo!😟😰 


Relief daw! Relief daw! Sigaw ni duday🙋 

"Bayaan mo sila!" sagot naman ni Rhea; 🙅 

Kung gusto kang bigyan ikay lalapitan! 

Kabwisit mga yan ako`y daana`t lipasan!🙅 


 Relief daw! Relief daw! Wala nang lumapit.😝 

Kapitbahay ko`y tunay ng nabwisit;😏 

Nang makitang bitbit ay malaking plastic. 😃 

Mabilis na naabot muntik pang mapunit. 😂😆 


(Photo by Rico Manallo)