Wing wang! Wing wang!
Narinig naming Serena
Takbuhan pa nga sila
Dahil akala'y curfew na.
Naku hindi pla
Relief ang dala-dala
Kaya ayun, labas ulit sila
Halos mag unahan sa pila.
Baka kase maubusan ng dalang ayuda
Salamat naman kasama kami sa lista
Muntik na naman magmura
Ang mahal kong wowa.
Buti na lang may ayuda
Ayun ngirit na naman sya
Kaya naman pala at kumare ni wowa
At naisingit sya ng mga naglilista.
Pero salamat pa rin kami'y nakatanggap na
Kahit magkandarapa sa pagtakbo kanina
Ayos lang sa amin kami nama'y may relief na
Aabangan na lang namin kung bukas meron pa.
😁😜