Back to the list

DISKARTE: LIGAW TIPS 101

Tol, tandaan mo, walang standard formula sa panliligaw! 

 Meron ka bang crush? 

 Lagi mo bang pinupusuan ang status ni crush sa FB, or hanggang hinga ka na lang ng malalim dahil may pagkatorpe ka? 

 Nagpapanik ka ba pagnagkakasalubong kayo? 

 Di ka ba makatulog sa gabi? 

 Di ka ba makakain maayos?


 Kilabot moves ka ba manligaw? 

 Wrong moves ba? 

 It doesn’t have to be that way. 

 Kung feel mo na s’ya na ang ka-red string mo or kaporever mo, 

tutulungan kitang manligaw. 

 Kailangan mo lang ng tatlong “D” – Diskarte, Distansya, at Diyos. 

Sa artikel na ito, gusto kong i-share sayo ang unang D – Diskarte! 

 Handa ka na bang DUMISKARTE? 

 Taralets! 

 Para havey ang diskarte mo, dapat merong kang: 


#1. DISIPLINA 

Pogi points sa girl ang lalaking marunong magsabi ng totoo. 

Don’t tell a lie kung gusto mo lang magpa-impress. 

Di ba masarap sa pakiramdam kapag alam mong wala kang tinatago habang nanliligaw? 

Tsk! Pak-ganern yon sa kilig! 

Tol, iwasan mong manligaw sa maraming babae ng sabay-sabay. 

 Pangit tingnan sa isang lalaki di ba? 

 Immature! 

Eh sa’yo kaya gawin ‘yon? 

Sakit di ba? 

Isa lang tol hah! 

 Kase isa lang puso mo! 

 Isa lang ang nawawalang tadyang ni Adan, kaya isa lang ang dapat hanapin! 

Gets mo?! (Kung hindi mo gets, enroll ka ulit ng RE 101! LOL!) 

Tol, turn off sa girl ‘yong moody ka sa harap nila… ‘yong paiba-iba ka ng mood dahil sa umaaligid na guys sa kanya. 

Wag kang magselos agad kung may mga iba pang nanliligaw sa kanya. 

(Ok lang magselos, ok lang mahalata n’ya… pero mejo lang hah.) 

 Hindi naman kase n’ya kasalanan kung lumapit sa kanya ang ibang guys. 

Maganda sya eh! 

Kaya wag kang war freak kapag nagseselos ka! 

Nanliligaw ka pa lang! 

Tol, dapat meron kang ‘word of honor’… ano ‘yon? 

Kung anong sinabi mo, aba’y tuparin mo! 

FYI, nature ng girls ang magrecall ng memories. 

Magaling sila dyan! 

Pag sinabi mong lalabas kayo sa TGIF or sa weekend, mageexpect na agad ‘yon. 

Tapos sa last minute sasabihin mong may jogging schedule pala kayo or may family affair, aba nakakahurt ‘yon. 

Kahit sabihin ni crush na “ok lang”, aba’y masa-sad pa rin yon. 

Para di ka ma-tag na “drawing”, dapat pag-aralan mong mabuti ang mga moves mo bago mo sabihin kay crush hah. 

Malay mo ‘yon na pala ang moment para umamin sa’yo! 

Naaaaaaks! kiliiiig! 

Tol, kapag nanligaw ka, wag kang parang bagyo na paiba-iba ng isip! 

Ano ba’ng dahilan at liligawan mo s’ya? 

Totoo na minsan kinakain tayo ng kaba or negative thoughts natin, pero utang na loob, magpakalalaki ka! 

Wag kang susuko agad dahil lang may mga ibang nanliligaw sa kanya. 

Ipakita mo na may ibubuga ka! 

Patunayan mo na may maipagmamalaki ka! 

Before you quit, you must remember why you started. 

Kung pinaparamdam n’ya na ayaw sa’yo, isipin mo na hindi pa tama ang panahon. 

Finally, wag mong ipagkakanulo ang sarili mo na wala kang disiplina. 

Set your limits and boundaries para hindi mawala ang thrill. 

Ingat din not to take advantage hah lalo na kung feel mo eh type ka rin ni crush.

I repeat DO NOT TAKE ADVANTAGE! 

That is barbaric! 

Hindi ka manyak! 

Manligaw ka ng malinis at maginoo (saka na ‘yong mejo bastos) para hindi ka magmukhang hampas-lupang atat sa babae. 

Tandaan mo, may reputasyon ka na dapat ingatan sa iyong panliligaw. 

Kung makuha mo ang matamis na OO, you maintain your good image. 

Kung mabusted ka naman, at least maganda pa rin ang image mo sa kanya at sa friends n’ya. 

At NEXT TIME pwede ka pa rin magtry manligaw… second chance diba! 


#2. ISIP 

Hindi lahat ng gwapo may utak. 

Baka ito ang kalamangan mo sa karibal mo.

Pero kung gwapo ka at may 500 terabyte na brain, aba’y mutant ka! 

Go na!

Wag ka ng torpe!

Kung friend mo na sya sa social media, much better! 

Hindi naman nya malalaman kaya stalk mo na s’ya sa FB or twitter or skype or instagram or flicker or youtube or linkedin or pinterest or tumbler or wattpad or wordpress or reddit or vine or meetup or sa moon!

Find out her interests, hobbies, likes and dislikes, favorite place, music, artists, actor, actress, food, pet, cartoon characters, and anime.

Pag nagawa mo yon, boom! 

Alam mo na kung saan kayo may commonalities.

At later kung makakakwentuhan mo na sya, hindi kayo mauubusan ng pag-uusapan.

Pwede? Pwede!

Eto pa, dapat observer ka hah.

Tingnan mo kung anong bago kay crush or kung anong suot nya (hindi yong katawan!)

Siguro damit, hikaw, make up, lipstick, bag, singsing, bracelet, relo, or sandals.

Basta bahala ka na.

Tapos wag kang matakot mag compliment.

Yong simpleng “Hi! Ganda ng hikaw mo ah bagay sayo! Pero mas bagay ako sayo!” yiiieeehhh!!! Kilig!

Opppss…wag yon, banat na yon eh. 

Hanggang dun lang sa first sentence.

Malaking bagay kase ang words of affirmation sa girls kaya wag kang matakot.

Syempre ma-thank you yon.

Oh kuha mo na ang attention.

Pero wag mong araw-arawin hah.

Baka kase isipin nun binobola mo na sya.

At dahil may braincells ka, wag mong sayangin!

Maging original ka sa panliligaw.

Mag-isip ka.

Wag kang lousy.

Wag kang baduy.

Bakit ka dapat maging creative?

Kase tol effort yon!

Pogi points yon!

Hindi ka lang makakakuha ng attention kay crush, may sense of mystery ka pa.

Mapapa-effort din si crush to know more about you.

Kilig!

Isip ka ng original style mo hah.

Base sa kung anong interest nya.

Yon ang magiging signature mo.

Di ko na isi-share ang style ko, mag-isip ka! LOL!

Eto importate hah, manligaw ka kung kaya mo na.

Wag yong trip trip lang.

Wag kang pabugso-bugso.

Baka kase puppy love lang yan! 

Bakit puppy love?

Kase yong puppy (tuta or baby dog) kapag di na nya kelangan dumede sa nanay nya iniiwan na nya.

So, pang madalian lang.

Puppy love.

Hindi laro ang pakikipagrelasyon.

Hindi ka ASO! 

Very emotional ang mga babae kaya wag kang sumabak kung di ka pa ready.

Baka masira mo lang ang kinabukasan nya.

Or pareho lang kayo madistract sa pag-aaral nyo.

Pwede namang MU lang kayo eh.

Walang masama dun. 

Gawin mo na lang inspirasyon! 

P. S. 

Kasama sa wise use of brain cells ay ang pagkakaroon ng CIA mind.

CIA mind – confirm, investigate, ask

Confirm your Investigation after Asking. 

Dapat mo munang alamin kung taken na si crush bago ka gumawa ng ligaw moves. 

Copy?


#3. SMILE 

Malaking turn on sa 99.99% ng girls kapag napapatawa mo sila. 

Hindi totoong ayaw nila sa mababait at behave na tulad mo. LOL! 

This is what they mean… don’t be shocked…“Girls hate boring guys!” 

Ang totoo kase, 99.99% ulit ng girls eh gustong gusto yong mabait at behave na guys… na may sense of humor.

Minsan nga sense of humor lang solve na sila.

Kaya wag kang magtaka pag nakita mo si crush na mas gusto yong isang guy na mukang ninja turtle… pero may sense of humor naman. 

Eh kung gwapo ka nga, 1000 terabyte ang brain mo, tapos wala ka naman sense of humor… eh wala din!

Nose bleed lang sayo si crush!

Tol, magpakawala ka ng mga joke at banat na sakto sa panahon at sa mood nya.

Kilitiin mo sya sa pamamagitan ng thoughtful jokes mo and sweet banats.

After few weeks or months mageexpect yon ng joke mo.

At bawat lapit mo, palihim na kinikilig sayo. Yeaaaahhhh!!!

Majority sa mga babae (na mature) ay hindi naman nagbabase lang sa mukha or sa itsura ng lalaki. 

Iba-iba ang preference ng mga babae kaya malalaman mo kung turn on sya sayo or hindi. 

Remember that being gwapo does not depend on your look and your altitude, but on your attitude. 


 #4. KATAWAN 

Opps… I know what you’re thinking!

Yes, you need katawan sa panliligaw.

What I aktwali mean is your hygiene and your porma.

Another pogi points to girls kapag mabango ka.

Yes, your perfume matters!

Yan ang simula ng tinatawag na chemistry.

Amoy pa lang turn on na! Naks!

Make sure na kapag lalapit ka kay crush or dadaan ka eh may trail of smell na naiiwan.

Wag yong bad trail na parang body odor.

That’s yucky! 

Kaya mahalaga na laging naliligo. 

Nagsisipilyo.

Naglilinis ng tenga.

Ilong.

Mata.

Ulo.

Leeg.

And all the way down there! LOL! 

There’s an automatic kilig sa girls kapag looking fresh ka.

Avoid smoking.

It makes you look 5-year older than your actual age.

Drink moderately.

May mga girls na ayaw sa lalaking umiinom.

Exercise weekly.

Your health is your wealth.

Healthy body makes a healthy mind. 

Healthy mind makes healthy life. 

Healthy life attracts beautiful people… including your crush! Yeah!

Kung alam mong hindi ka kagwapuhan, make sure na tama naman ang style and choice mo sa pananamit.

Yong disente kang tingnan at comfortable ka.

Ibagay mo ang damit mo sa edad mo at sa estado mo. Hihih!

At ibagay mo ang damit mo sa lugar at panahon. Hihih ulit!

Wag kang gagaya sa iba na ang init init na eh nakajaket pa!

Don’t be like that.

Sila pawis na pawis na at haggard na at mukhang pasan ang problema ng buong Engineering students…pero ikaw, looking fresh!

Be cool!


#5. ACCEPT

Tanggapin mo kung sino ka and be confident!

STOP comparing youself with others.

Tandaan mong isa lang ang tao sa mundo na tulad mo at walang makakagaya sa’yo.

So, again STOP comparing yourself sa mga karibal mo.

Sa halip, equip yourself with good attitude na makaka-turn on kay crush.

Hindi lang yon, dapat mo rin tanggapin ang personality ng nililigawan mo.

Tanggapin mo na hindi sya perfek.

Diba hindi ka rin naman perfek?

Tabla lang!

At dapat mo rin tanggapin na handa mong punuan ang mga kulang sa kanya dahil kaya mo sya nililigawan ay dahil…. mahal mo sya.

Pag nanligaw ka, you either get accepted or rejected.

Tol, pag OO sagot sayo, congrats! Jam tayo! LOL! 

Pero kung NO, eto payo ko,“rejection is just a redirection!” 

Oo masakit mareject.

Mahirap tanggapin pero dapat.

Wag kang susuko agad.

Siguro hindi sya ang ka-red string mo.

Stand up.

And move on.

Kung ikaw naman yong tipo na laging narereject (ouch!),I advise you to give yourself a break.

Wag ka muna manligaw for couple of months.

Pag-isipan mo munang mabuti ang moves and plans mo ha.

Take a break man and review tip #4. 


 #6. RESERBA 

Wait!

I don’t mean reserbang chiks hah!

Ibig kong sabihin, dapat may reserve kang TIME para sa panliligaw mo.

Mas nafafall ang girls dahil sa haba ng pinagsamahan nyo.

Bakit?

Kase nakilala ka na. 

May moments na kayo.

May tiwala na.

Kaya kahit gaano ka kabusy, set a side time for her.

Hindi naman kelangang everyday.

Siguro 30 minutes lang twice or thrice a week, ok na yun.

Kase dapat habang tumatagal dumadami yong time mo sa kanya.

Wag baliktad na habang tumatagal eh kumukunti ang oras mo sa kanya. 

Tapos kapag naging kayo na, halos wala ka ng time sa kanya.

Unti-unti lang.

Slowly but surely.

Rememeber this: frequent meeting creates feeling.

Second, dapat may reserba kang talent na para lang sa kanya.

Kunyari pagtugtog gitara, pagkanta, paggawa poem, or art works.

Try to do one of those and I’m telling you, magbablush sya sa kilig. Naks! 

Third, dapat may reserba kang love para sa sarili mo.

Ano yon?

Don’t give all!

Wag 'yong all out ka palagi.

Don’t expect too much kapag nanliligaw ka pa lang hah.

Kase lugi ka sa huli kapag pinasabog nya ang atomic bomb nya na HINDI!

Oo naman, hindi maiiwasan na mag expect.

Pero yong sakto lang hah.

Wag yong you are already expecting heaven from her!

Masyado kang primitive naman kung nanliligaw ka pa lang eh feeling mo pag aari mo na.

Don't be obsessed!

She is not a toy!

Basta chill ka lang. 

Make her feel confident na maging honest sayo para walang itinatago or para hindi matakot magsabi sayo na friend-zone kayo.

Then sa huli, hindi ka masyadong apektado kung hindi naman talaga sya ang nawawalang tadyang mo.

Ok? 


 #7. TIYAGA

Hindi panliligaw ang 180 kilometers per hour na takbo!

It takes time.

Masyadong weird yong kaka-accept nya pa lang sayo sa FB kahapon tapos bukas liligawan mo na!

Or agad-agad may "iloveyou" message ka agad.

Watdahek!

Ano ka instant boyfriend?

Sige try mo para may instant break din!

Sa iba it works.

Pero dahil hindi naman tayo World War III eh wag kang mag madali.

Hindi ka diarrhea! LOL 

Tol, gusto ng girls yong nag eefort para sa kanila.

Weak spot nila yon!

Kahit nga yong may boyfriend na, naagaw pa dahil sa effort (sipag at tiyaga sabi ni Manny Villar).

Dun sila madaling mafall! Yiiiieeehh!!! 

Kaya kung may balak kang manligaw, kilalanin mo munang mabuti at siguraduhin mo munang hindi yan puppy love hah!

Baka bugso lang yan ng damdamin at pagnakilala mong lubusan ih hindi mo matanggap kung sino sya… 

tapos sasabihin mo“Oppss! False alarm!

May iba na pala ako crush!”Landi mo rin tol noh! LOL!

Kung special day, magkaroon ka ng lambing sa katawan.

Give her something na magpapakilig o magpapasaya sa kanya.

Yong kapag nakikita nya eh maalala ka. Yiiieeehhh!!!

Reminder, nanliligaw ka pa lang hah, kaya keep it simple.

Wag kang bibili ng expensive things.

Tataas kase ang expectations nun sayo.

And, may pangyayari na mamahalin ka lang nya dahil dyan.

(Sana hindi ka nya mahal dahil sa mga gifts mo.)

Kaya bilhan mo sya nung magpapangiti sa kanya.

Hindi basehan ng girls yong presyo, kundi yong effort mo!

It’s the thought that counts not the amount!

Kung hindi mo kaya, sus wag mong pilitin.

Maraming paraan para mapasaya mo sya.

Consider flowers…(preferably rose)…chocolate (kahit cloud 9 lang ok na or chocnut! Hihih!)…

or simple card or love letter…or poem or song, or music video or film or theater… heheh diba simple!

Basta ipakita mo lang na sincere ka sa ginagawa mo, iskor na yon!

Tyagain mo sya hanggang makuha tiwala.

Wag kang mandadaya sa panliligaw.

Do not have multiple reserve na kung sino mauna sumagot sayo eh dun ka na.

Very wrong!Pag nalaman nila lahat yon, kawawa ka!

Hindi lang ninja turtle na hokage ang tingin sayo, black listed ka pa sa mga friends nila.

Gusto mo nun?

Again pag-isipan mo muna kung sya na ba bago mo ligawan.

At kung hindi sya, dahil bugso lng ng damdamin, then, pwede ka ng maningalang pugad sa iba.

Big turn on sa girls pag natatandaan mo ang mga simpleng bagay about sa kanila tulad ng birthday, favorite color nya, chichiriya, dreams nya, etc. 

Kung wala kang alam sa background nya, you already lost half of the battle.

Mas naaapreciate ni crush yong bigla mo sya bibigyan ng something that will remind her na naalala mo sya.

You are earning pogi points kahit hindi mo sya kasama dahil lang sa bigay mo. Yieehhh!!!

Tol, ang mga girls expressive yan.

Madaldal diba! Hihih!

Normal lang yan!Pero listen to her.

The best way to get closer to her is be a good listener to her.

Wag kang makipagsabayan ng daldal… lalaki ka tandaan mo! LOL!

Mag kukwento yan ng kahit ano…like friends nya, professor nya, lipstick ng classmate nya, assignment nya, project, problema nya…and so on!

Don’t attempt to solve her problems.

She knows what to do.

She just wants to share those with you.

Makinig ka lang.

Tapos sasabihin nyan, “salamat!” 

Oh diba, wala kang ginawa nakinig ka lang pero daming pogi points na! 

Importante kase sa girl na feeling nya may nasasandalan sya.

Yong feel nya na secured at protected sya.

At ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang knight in the shining armor ni crush! Yieehhhh!!! Kilig ulit!!!

Basta listen to her,that’s the best way to get clue how to invite her for a possible date!

Ang panliligaw parang schooling, uso ang TEST.

May mga girls na itetest ang panliligaw mo.

Sasabihin sayo: “hindi pa ako ready eh, can you wait for me?”

Anong sagot mo?Eto suggestion ko:“Kung oras lang ang hinihingi mo, kaya ko yan ibigay sayo. Pero pakiusap ko, wag sana akong umasa sa wala.”

Be brave enough to tell that.

And be courageous sa paghingi ng sagot, either YES or NO.

Masakit kase umasa. 

P.S.In case tagilid ka sa laban,try this CLASSIC power ranger move.

Write a love letter.

Believe me, majority of girls feel soooo kilig when they receive a love letter. 

Why?

Because love letter is very rare na!e-mail na uso! Or chat! At text!

Mga seryosong tao na lang ang gumagawa ng love letter.Kaya pagnakaresib si crush nito galing sayo, tiyak passing rate na pogi points ang na-earn mo! 

Tumataas pa ang rating mo sa puso nya! Yiiehhh! Kilig ulit! 


#8. TULAY

Tol, kung may pagkatorpe ka you can call a friend.

Kaibiganin mo muna yong mga close friends ni crush.

Tapos dun ka magpalakad.

Malaking tulong kase ang friends ni crush.

Pag type ka nila para sa friend nila, naku kahit tulog ka, nag e-earn ka ng pogi points!

Just in case na fall sayo ang friend ni crush, aba iwas din hah!

Ibang usapan na yon!

Wag kang magpalandi! LOL!

Another pogi points yon kay crush pag nalaman nyang hindi ka easy to get!

Ang tulay ay pwede ring friends mo.

Basta pili ka ng mapagkakatiwalaan mo para sure ang pogi points mo.

Wag yong bantay-salakay.

Nature ng mga girls minsan na magtanong pa tungkol sayo lalo na sa taong kaclose mo.

Mas magiging confident ka din kasi pag nasimulan mo ang magandang impression sa sarili mo at nasamahan pa ng tulong ng tulay mo.

Tol, kung seryoso ka talaga na ligawan sya, wag mong kalimutan na kilalanin din family nya hah.

Mas matutulungan nila sa pagdedesisyon ang crush mo kung may good impression na ang magulang nya sayo.

Tandaan na ang panliligaw ay hindi dinadaan sa papogian, payamanan, at payabangan.

Kahit sino pwedeng dumiskarte sa iba’t ibang paraan na alam nilang tama at dapat sa malinis din na paraan.

Nasa sayo din ang desisyon kung papakilala mo siya sa magulang mo. 

Nakakadagdag confidence yon para sayo.

At syempre wag mo lang kilalanin ang magulang nya, humingi ka rin ng advice sa magulang mo kung ano masasabi nila pagdating sa ligaw. 

Mas may experience kasi sila at alam nila yung mga ibibigay na advice sayo.


#9. ESTIMEYT 

Mejo challenging ito…

ang yayain si crush na lumabas. 

The best way is to follow #2 para madami ka na clues. 

Use your power of estimation.

Alam mo naman kung tama na ang panahon para yayain sya lumabas. 

Pero don’t get too excited hah.

Hanap ka ng timing kung saan mo ipapasok ang napakaganda mong balak.

Pero yong alam mong pang kaibigan lang na tono ng pagsasalita wag yong pang manliligaw na agad.

Eto mga praktikal suggestions ko na.

Kapag nagdadate na kayo sa labas or simple friendly date muna,always make an initiative to pay bills kapag kumakain kayo, or pagnagbabayad sa jeep or traysikel or taxi or LRT or MRT or Plane! LOL!

Wag kang mahihiya magbayad.

Ikaw kase ang nanliligaw.

Kultura natin yon ih.

Wala pa akong nakita na nagyaya lumabas sa nililigawan tapos sasabihin, KKB tayo ha. LOL!

Pero kapag nagsabing hati kayo sa bill, mmmm pakipot ka muna sa simula pero pag nag insist pa rin, sige na pumayag ka na sabay mag thank you hug ka agad! LOL! Joke lang! 

Tol, ang girls minsan unpredictable yan.

Pabago bago ng isip.

Minsan parang may mood swing.

Tapos minsan ang sweet.

Tapos minsan palabiro.

Tapos minsan bigla na lang mang-aaway.

Don’t panik!

Natural yon sa kanila.

Kaya be very careful kapag ganyan sila.

Wag ka basta magjojoke baka itake nila personally tapos war na.

Habaan mo ang pasensya.

Baka may dalaw lang sya.

Wag mo sabayan.

Mag adjust ka.

Wala ka naman dalaw!

Im sure maaapreciate nya yong effort mo na mag adjust sa kanya.

Estimeyt mo din by reading between the lines of her words or text kung ok sya or hindi.

Don’t miss the opportunity to comfort her kung sad sya.

Magkwento ka ng mga bagay na makaka cheer sa kanya.

Make her problems irrelevant sa pamamagitan ng mga kwento mo.

Kahit anong mangyari make sure na secure sya sa tabi mo. Yiiiehh! Kilig!

Wag mong sasakalin hah.

Pangahin kita jan!


Orayt there you have it!

That’s all about the first D in our Ligaw Tips.

Those 9 diskarte moves are just the beginning of your mutant move.

Again, be creative and original! 

I hope ready ka na DUMISKARTE!

May all the odds be in your favor!

God bless! 



 To be continued… 

(Abangan ang LIGAW TIPS 102)


(P.S. Thanks to Wenjie Bolonos & Sam Naron for encouraging me to write this. 
Thank you Brother Knights! #vivatJESUS!)